^

Police Metro

2 ‘narco-cops’ utas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay sa isang shootout ang da­lawang aktibong pulis na sangkot sa pagtutulak ng droga  nang makipagbarilan sa kanilang mga kabaro sa isang buy bust operation sa Brgy. Cabaruan, San Fabian, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Ang mga napatay na pulis ay kinilalang sina SPO3 Marlon Nicolas at PO3 Jenny Agbayani; pawang nakatalaga sa Pangasinan Provincial Police Office (PPO).

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout bandang alas-8:00 ng gabi ay magsagawa  ng buy bust operation ang mga operatiba  ng Regional Intelligence Division 1, Criminal Investigation and Detection Group Region 1 at San Fabian Police laban sa dalawang pulis na kapwa  nasa high level drug watch list ng lalawigan.

Habang isinasagawa ang transaksyon ng droga ay nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal kaya’t agad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga operatiba na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Sa kasagsagan ng barilan ay magkakasunod namang bumulagta ang dalawang police scalawags at namatay noon din.

Nasamsam sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang 9 MM Beretta pistols, isang sachet ng shabu, dalawang rolyo ng pinatuyong dahon ng marijuana at  P 3,000 cash na hinihinalang benta ng mga ito sa droga.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with