^

Police Metro

Drug probe sa driver ni De Lima

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatawag ng Mababang Kapulungan ang umano’y lover-driver ni Senator Leila De Lima para humarap sa gagawing imbestigasyon kaugnay sa umanoy pagkalat ng illegal na droga sa National Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay House Appropriations Committee chairman at Davao Rep. Karlo Alexie Nograles, na ang pagpapatawag kay Ronnie Dayan ay hindi para isentro ang relasyon nito kay De Lima kundi para ungkatin ang pagkakasangkot ng driver bodyguard nito sa droga.

Maaari rin umanong imbitahan ng Kamara ang Senadora, subalit nasa diskresyon na nito kung dadalo o hindi alinsunod dahil na rin mayroong umiiral na inte-parliamentary courtesy.

Sinabi naman ni  Deputy Speaker Sharon Garin bukod kina Dayan at De Lima ay maaari rin ipatawag ang mga drug lords na nakakapiit sa National Bilibid Prison (NBP)  para direktang makuha ang kanilang paliwanag kaugnay sa drug operations sa loob ng Bilibid.

Subalit, kailangan pa rin umanong pag-aralan ang mga proseso at protocols kung dadalhin ang mga ito sa Kamara o kung ang mga kongresista na lamang ang pupunta sa NBP para doon magsagawa nang hearing.

Nilinaw naman ni Deputy Speaker Gwen Garcia, na ang gagawing imbestigasyon sa isyu ng paglaganap ng droga at iba pang illegal na gawain sa NBI noong nasa pamamahala pa ito ni De Lima ay in aid of legislation.

Matatandaan na naghain ang liderato ng Kamara ng House Resolution 105 para magsagawa ng imbestigasyon sa pagkalat ng illegal na droga sa NBP noong kalihim pa ng DOJ ang senadora.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with