^

Police Metro

Shoot to kill sa road rage suspect

Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang shoot to kill ang iniutos ng pulisya laban sa road rage suspect na bumaril at nakapatay sa isang biker dahil sa away sa kalsada noong Lunes ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Kaya’t nagsagawa nang manhunt operation ang pulisya para kunin ‘buhay man o patay’ ang suspek na si Vhon Martin Tanto, 39, isang Philippine Army Reservist, na may ranggong Private at residente ng 358 Fraternal St., Quiapo, Maynila.

Ang suspek ay mi­yembro ng Caloocan City-based 1301st Community Defense Center, National Capital Region Regional Community Defense Group ng Army Reserve Command.

Sinabi ni MPD acting director P/Senior Supt. Joel Napoleon Coronel, binigyan lamang niya ng hanggang alas-5:00 ng  hapon kahapon (Hulyo 27) ang suspek na si Tanto para sumuko.

Hindi umano dapat bigyan ng pagkakataong makapanakit o mailagay sa panganib ang buhay ng mga pulis o kahit sibil­yan kaya’t mahigpit ang kautusan na dapat itong madakip sa lalong mada­ling panahon buhay man o patay.

Nabatid na ang suspek ay natuklasang may 3 handgun na nakarehistro sa Firearms and Explosive Office (FEO) ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City.

Kabilang umano sa baril ni Tanto ay dalawang kalibre 45 at isang 9 mm na walang permit to carry.

Magugunita na nag-viral sa social media ang pagbaril at pagpatay ng suspek sa biktimang si Mark Vincent Geralde, 36, na nagbibisikleta lamang nang makaalitan.

Batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng Barangay 385, Zone 39, na nakasasakop sa P. Casal St., Quiapo, hindi kinaya ni Tanto ang biktima nang sila ay magpambuno at nang sakal-sakal na umano ito ng biktima ay pinaniniwala na okey na sila, subalit  nagtungo ito sa kaniyang kotse (Hyundai EON) may conduction sticker na MO3746 at kinuha ang baril bago tumakbo papalapit sa biktima na noon ay nag­lalakad habang hila-hila ang kaniyang bisikleta at pinaputukan sa mukha.

Sa unang putok ay bumagsak na ang biktima at hindi inaasahang may isang 18-anyos na si Roselle Bondoc, na nasa labas ng bahay ang tinamaan sa spinal cord ng bala at kritikal ang  kalagayan sa Mary Chiles Hospital, sa Sampaloc, Maynila.

Ilang testigo naman ang nagkumpirma at positibong kinilala ang suspek na siyang namaril sa biktima, nang makita ang nag-viral na kuha ng CCTV sa social media at mga litrato ng suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with