^

Police Metro

Police official na drug pusher, napatay

Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang opisyal ng pulisya na umano ay big time drug pusher ang napatay nang ito ay makipagbarilan sa mga kabaro nito sa isang buy bust operation sa Quezon City kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni Chief Supt.Guillermo Eleazar ang napatay na suspek na si Sr. Inspector Ramon Castillo, 47, aktibong miyembro ng QCPD District Anti Illegal Drugs Division at residente ng Lot 3, Block 1, Phase 2, Richfield Subdivision, Mambog Bacoor, Cavite.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-3:35 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy bust operation ang Division Special Operation Unit-QCPD, Special Operation Division ng HPG at Criminal Investigation and Detection Group sa harapan ng McDonald sa kahabaan ng Dahllia  Avenue, Brgy. Greater Fairview, Quezon City.
Sinabi ni Eleazar na ang operation ay alinsunod sa Oplan Double Barrel ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa kung saan bukod kay Castillo ay marami pang operatiba ng QCPD ang under surveillance kaugnay nang pagkakasangkot sa pagtutulak ng droga at pagbibigay proteksyon sa drug syndicates.

Gayunman, nakatunog ang suspek sa bitag ng mga  kapwa niya operatiba kaya’t tinangkang tumakas lulan ng kaniyang behikulo kaya’t hinabol ito at nang makorner sa Bullova Street, Brgy. Greater Fairview, ay  pinaputukan nito ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis  at napatay ang suspek na kung saan ay nasamsam sa sasakyan nito ang limang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with