^

Police Metro

11 na sabit sa illegal drugs, napatay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 11 katao na sangkot sa illegal drugs ang naiulat na nasawi sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at ibang lalawigan.

Namatay noon din ang biktimang si Ruben Andrade, na sangkot sa pagbebenta ng droga, residente ng San Vicente, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City nang pasukin ng isang lalaki ang bahay nito at pagbabarilin siya kamakalawa ng alas-2:30 ng  hapon habang nanonood ng telebisyon.

Binaril at napatay din ang 38-anyos na si Ge­nesis Labiana, jobless, residente ng Apex Compound, Brgy. 20, Zone 2, Parola Compound, Tondo, Maynila ng hindi pa kilalang suspek dakong alas-11:00 ng umaga.

Nakuha sa  kaliwang kamay ng biktima ang 4 na sachet ng shabu na nakabalot pa sa isang pirasong P20. bill.

Isang hindi pa kilalang motorcycle rider ang nasawi nang ito ay makipagbarilan sa mga pulis nang ito ay hindi huminto sa isang checkpoint kahapon ng ala-1:50 ng madaling araw sa Caloocan City.

Inalarawan ang nasawing suspek na nasa 5’4” ang taas, nasa 20-25 anyos, at nakasuot ng itim na jacket at bonnet.

Nakuha sa posesyon ng suspek ang isang ca­libre .38 na may limang bala at isang napaputok na bala at isang maliit na bag na may lamang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Pinatay din ang sinasabing drug pusher na kinilala lamang sa alyas Machete kahapon ng alas-3:00 ng hapon ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Visitation St., Barangay San Juaquin, Pasig City.

Nakuha sa bulsa ni Machete ang limang plastic sachet na naglalaman ng droga at mga drug paraphernalias.

Sa Naga City, Camarines Sur binaril at napatay din ng nagpapakilalang Bicol Vigilante ang isa umanong drug pusher na si Ariel Bucacao kamakalawa ng alas-5:30 ng umaga sa Alme­da A­venue, Saint James, Brgy. Concepcion Grande ng nasabing lungsod.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang hand grenade, 1 sling bag na naglalaman ng 3 pirasong 100 peso bill at isang carton paper na may nakasulat na  “WAG TULARAN ANG MGA PUSHERS, BICOL VIGILANTE”.

Tatlong lalaki rin ang binaril at napatay sa ba­yan ng Paracale, Camarines Norte noong araw ng Sabado at Linggo.

Kinilala ang biktimang sina Emmanuel De Lemios, 36, ng Sta. Rosa St., Brgy. Poblacion; Rodel “Bornok” Jalimao, 30, at residente ng Purok 2, Barangay Pinagbirayang Munti at Jaydee “Rod” Juguilon, 24, at residente ng Purok 2, Barangay Parang, Jose Panganiban.

Tatlo naman na pinaghihinalaang drug pushers na sina Jujit Villa, 41; Jeric Ginanao, 32; at Fungo Pasuguiron, pawang residente sa ba­yan ng Moises Padilla sa lalawigan ng Negros Occidental at pinagbabaril ng mga hindi pa kila­lang mga kalalakihan na hinihinalang mga vigilante sa bayan ng Vallehermoso, Negros Oriental kamakalawa. -Danilo Garcia, Ludy Bermudo, Joy Cantos, Mer Layson, Francis Elevado-

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with