^

Police Metro

Rody, Leni manunumpa ngayon

Joy Cantos - Pang-masa

PNP alert level itinaas 

MANILA, Philippines – Naka-heightened alert ang Philippine National Police (PNP) para sa  inagurasyon ngayong araw nina President-elect Rodrigo Duterte at Vice President-elect Leni Robredo.

Sinabi ni PNP spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor na bumuo sila ng Task Force Panunumpa 2016 na siyang manga­ngasiwa sa seguridad sa magkahiwalay na pa­nunumpa nina Duterte at Robredo.

Ang  task force ay pamumunuan ni PNP chief directorial staff, Deputy Director Ge­neral Francisco A. Uyami Jr., habang si  National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/ Director Joel Pagdilao ang magsisilbi namang Deputy Task Force Commander.

Ayon kay Mayor, magiging konsentrasyon ng Task Force Pa­nunumpa ang  palasyo ng Malacañang, Philippine International Convention Center (PICC), Boracay Mansion sa Quezon City at maging sa Quezon City Circle pawang mga venue ng panunumpa ng dalawang bagong halal na lider ng bansa.

Sinabi ni incoming Presidential Communications Sec. Martin Andanar ang inagurasyon ni Duterte ang pinaka-simple, subalit makasaysayan.

Ganap na alas-12:00 ng tanghali ngayon manunumpa si Duterte bilang ika-16 na pangulo ng bansa kay Associate Justice Bienvenido Reyes sa Rizal Hall ng Malacañang na sasaksihan ng 627 na guests kabilang ang miyembro ng diplomatic corps.

Inihayag ni Andanar na pagkatapos ng inagurasyon ay magkakaroon ng pakikipagpulong sa diplomatic corps, magkakaroon din ng mass oath taking sa mga bagong talagang opisyal ng Duterte administration.

Samantala, gagawin ang panunumpa ni Robredo sa Quezon City Reception House na magsisimula ng alas-9:00 ng umaga.

Ayon sa Robredo transition team head na si Boyet Dy na simple rin ang gagawing inagurasyon nila tulad ng gagawin ni Duterte.      

Hindi pa rin kumpirmado ng kampo nina Duterte at Robredo kung magkikita ang dalawang mataas na opisyal ng bansa matapos ang kanilang inagurasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with