^

Police Metro

P30-M shabu, iniwan sa bus

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Shabu at hindi bomba ang laman ng backpack na iniwan ng hindi pa kila­lang suspek sa isang bus terminal sa Pasay City kamakalawa.

Batay sa ulat, alas-2:37 ng hapon nang mapansin ng kawani ng Grand Courier Transport Davao Bus Terminal na matatagpuan sa EDSA, Brgy. 152, Zone 16 ang isäng lalaki na hindi mapakali at nagduda sila sa kahina-hinalang kinikilos nito.

Ipinagbigay alam  nila sa mga pulis sa pag-aakalang may inilagay itong bomba at sa pagresponde ng mga kagawad ng Special Weapons and Tactics (SWAT), Pasay City Police ay biglang nawala ang lalaki at nang magsagawa ng  inspection ay negatibo naman ang lugar sa bomba.

Nang inspeksyunin ng mga kawani na sina Arnold Bobis, 37, assistant dispatcher at Glenn Tamposa, 27, ang isang kulay itim na backpack na  nakalagay sa isang bus (MVM-991) number 28, na may biyaheng Davao ay nakita ang dalawang transparent at dalawang kulay pulang plastic na naglalaman ng shabu na nasa anim na kilo at nagkakahalaga ng P30 milyon.

Hinala ng pulisya, na posibleng nataranta ang lalaking magdi-deliver nito dahilan upang abandonahin ang nasabing shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with