Kidnap victim pinainom ng asido
MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kalagayan ang isang 24-anyos na factory worker na matapos kidnapin ng mga armadong kalalakihan na sakay ng van ay pinainom pa ito ng asido kamakalawa sa Baguio City.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Bumanglag Ringor, factory worker sa EPZA at naninirahan sa Brgy. Apugan ng lungsod na ito.
Batay sa ulat, bandang alas-12:40 ng tanghali ay naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Session Road nang tumapat sa kanya ang isang van lulan ng grupo ng kalalakihan at puwersahang dinukot.
Piniringan ito at nahimatay nang may ipaamoy sa kanya at nang magkamalay ay nasa bahagi na ito ng mga pine trees sa may Camp John Hay at pinainom siya ng likido na nasa bote at sa amoy niya ay isa itong muriatic acid saka iniwan ng mga suspek sa lugar.
Sinaklolohan naman ng ilang concerned citizens ang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan.
- Latest