^

Police Metro

Ginang ipinahuli ang lover sa kanilang sex video

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagsampa ng reklamo ang isang ginang laban sa kanyang live in partner dahil sa pananakit at pagkukulong sa kanya, pagkuha ng video ng kanilang pagtatalik at pagbabanta na papatayin at ipapagahasa sa mga ka-tropa nito sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si Mart Angelo Rosales, nasa hustong gulang, at residente ng Room B, Carmelita Compound,  Magsaysay St., Barangay Parang, Marikina City.

Ang pagdakip kay Rosales ay dahil sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Grace, residente rin ng naturang lugar.

Ayon sa biktima, ang pinakahuling insidente nang pambubugbog sa kanya ay naganap dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa sa loob ng kanilang tahanan.

Dumating ng bahay ang suspek at bigla na lang sinipa at sinuntok ang biktima dahil umano sa selos at pinagbantaan na ipapagahasa sa kanyang mga kaibigan.

Sa loob aniya ng da­lawang linggong relas­yon ay hindi siya nito pinapayagang lumabas ng kanilang bahay at tuwing magtatalik sila ay ibinibidyo  ito ng suspek nang labag sa kanyang kalooban.

Dahil sa mga ginagawa ng suspek kaya’t nagpasya ang ginang na  ipaaresto na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with