^

Police Metro

Paslit inatado ng inang adik

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 3-anyos na batang babae matapos na siya ay pagsasaksakin ng kanyang 26-anyos na ina na lulong sa droga na naganap kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Ang biktimang nasawi dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Alexa Rain Aviso.

Agad naman naaresto ang ina nito na si Jin Pelayo, nakatira sa KCC Venterdeck Kapitbaha­yan, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng naturang lungsod. 

Batay sa ulat, alas-12:10 ng madaling araw ay magkatabing natutulog ang mag-ina sa loob ng kanilang bahay nang ma­gising ang ina at ku­muha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang natutulog na anak.

Tumakas ang suspek nang gawin ang krimen habang ang bata ay naisugod ng ilang concerned citizen sa ospital, subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

Kahapon ng alas-6:00 ng umaga nang isuko ng mga magulang ang suspek sa mga pulis.

Ayon sa pulisya na lango umano sa droga ang ina  nang araw na iyon at ng tingnan ang anak ay paiiba-iba raw ito ng anyo ng mukha at sa tingin niya parang demonyo ito kaya pinagsasaksak niya ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with