^

Police Metro

3 miyembro ng drug group, napatay

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong hinihinalang mi­yembro ng Joselito Gonzales drug group matapos umanong manlaban sa buy bust operation ng  mga tauhan ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group ng Quezon City Police District (QCPD) naganap sa UP Arboretum sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay QCPD Deputy District Director for Operations Sr. Supt. Joselito Esquivel, bago naganap ang engkwentro bandang alas-10:00 ng gabi sa kahabaan ng Forest Street sa Diliman malapit sa Central Avenue sa lungsod ay target ng kanilang ope­ration ang tatlong noto­rious na drug suspects na pinaghinalaang miyembro ng  Joselito Gonzales drug group.

Anya, isang  poser buyer ang makikipagkita sa isa sa mga suspek para bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P10,000, subalit nang malaman ng grupo na pulis pala ang ka-transaksyon ay lumaban ang mga ito.

Napatay ang mga suspek na kinilalang sina Darwin Moralia, Vergilio Arsega at isang hindi pa nakikilalang lalaki. Habang nakatakas naman ang 5 iba pang nasa loob ng hinihinalang drug den.

Ang operasyon ay resulta umano ng mga impormasyong ibinigay ng mga sumukong drug user at pusher noong Biyernes sa pulisya.

Nasa 300 drug users na ang sumuko sa Quezon City Police District (QCPD) sa ipinatutupad na Oplan Katok Paki-usap.

Ayon sa isang sumuko, hindi sila tinakot o pinilit pero aminadong natatakot na dumating ang araw na basta na lang silang itumba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with