^

Police Metro

7 todas sa drug war

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pitong katao ang nasawi sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite at Laguna na may kaugnayan sa droga.

Sa General Trias, dakong alas-12:20 ng hatinggabi nang sala­kayin ng mga otoridad ang Netherland St., Country Meadow Subdivision, Brgy. San Francisco, na ang target ay isang Evan Sevilla na natiyempuhan na nagsasagawa ng pot session kasama ng dalawang hindi pa nakikila­lang lalaki.

Pinagbabaril ng mga suspek ang mga pulis na masuwerteng walang tinamaan kaya’t gumanti ng putok at napatay ang tatlo.

Sa Brgy. Muzon 1, Rosario dakong alas-10:35 ng gabi ay napatay sa buy bust ang drug pusher na si Jerry Abundo matapos umanong manlaban.

Napatay naman ang ikalimang suspek na si alyas Orly sa buy-bust operation bandang alas- 10:30 ng gabi sa Tulip St., Villa Esperanza, Brgy. Molino 2, Bacoor City.

Dakong alas-12:20 ng hatinggabi nang matagpuang patay ang isang babae sa kahabaan ng Soriano Highway Brgy. Sahud-Ulan Tanza, Cavite na may tama sa ulo at may nakakabit na placard na “Pusher Ako”.

Sa Laguna, dakong alas-3:15 naman ng madaling araw nang  mapatay din sa buy bust ope­ration ang drug pusher na si Jommel Cambel sa Sitio 2, Brgy. Ogong, Santa Cruz, Laguna nang kumasa umano sa mga operatiba  matapos itong magbenta ng dalawang plastic sachet ng shabu.

Nakuha kay Cambel, na number 6 sa drug watchlist ng Santa Cruz Police, ang P200 marked money, apat na sachet ng hinihinalang shabu, cal.38 revolver at mga drug paraphernalia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with