^

Police Metro

Mister nangulila sa pagpanaw ng misis, nagbaril

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi matanggap ng isang 80-anyos na si Antonio Rom ang pagkamatay ng kanyang misis at sa labis na pangungulila ay nagpasya itong tapusin na rin ang buhay sa pamamagitan nang pagbaril sa ulo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Pinagsanhan-B, Maragondon, Cavite.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng umaga ay pumasok ang manugang na si Lorena Rom sa banyo nang makarinig ng putok ng baril mula sa silid ng biktima.

Nang puntahan ang silid ng biktima ay duguan itong nakalupaypay sa papag kaya’t agad ipinaalam sa barangay na tumawag naman sa pulisya.

Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang sentido at nakuha sa lugar ang  isang piraso ng caliber .38 baril.

Ayon sa pamilya ng biktima, simula umano ng mamatay ang misis nito ay kinakitaan na ito ng sobrang pagkalungkot at laging tahimik na posibleng nagtulak dito para wakasan ang kanyang buhay.

vuukle comment

ASSASSINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with