^

Police Metro

Pagbabalik ng death penalty, tiniyak

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Para maibalik ang death penalty at maibaba ang edad ng mga mapaparusahang kabataan na gumagawa ng krimen ay tiniyak ni presumptive House Speaker Pantaleon Alvarez na aamyendan nila ang Konstitusyon.

Anya, dapat maibalik ang death penalty upang manumbalik ang kapayapaan sa bansa kung saan sa bandang huli ay ang mga Filipino rin ang makikinabang dito.

Bukod dito aamyendahan din nila ang Pangilinan Law kung saan ang mga kabataan na menor de edad na sangkot sa krimen ay hindi maaaring kasuhan at ikulong kaya napapakawalan ang mga ito.

Paliwanag ni Alvarez balak nilang ibalik ang orihinal na batas na naayon sa revised penal code subalit rerebyuhin muna umano nito kung anong edad ang nakasaad dito na maaaring kasuhan at ikulong.

Ang hakbang umano nito ay bunsod sa reklamo ng mga otoridad na ginagamit ng mga sindikato ang mga menor-de-edad sa paggawa ng krimen kaya hindi nakakasuhan at nakukulong ang mga ito.

Ipinagtanggol din ni Alvarez si incoming President Rodrigo Duterte sa mga batikos nito sa Simbahang Katolika at iginiit na hindi umano inatake kundi ay sinasabi lang nito ang nakikita at tunay na nangyayari.

Bahagi lamang umano itong umiiral na demokrasya at sa bandang huli ay mananaig naman ang nakararami.

 

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with