^

Police Metro

Duterte ayaw tumira sa Malacañang

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Para umano bawas gastos ay simpleng inagurasyon lamang ang  gaganapin sa Malacañang sa gagawing panunumpa ni incoming President Rodrigo Duterte.

Ito ang iginiit ni Duterte at finger foods lamang ang isisilbi sa mga bisita sa Palasyo at 5 minuto lamang ang kanyang speech sa kanyang inagurasyon sa June 30.

“Doon na lang [Palace] kasi wala nang gastos. May finger food lang siguro because it’s nearing noontime, but there will be no eating after. Before lang, tapos mag-oath ako. Then I will go nationwide on TV and then I will just spell out my governance in five minutes,” wika pa ni Duterte.

Aniya, dahil simple lamang ang kanyang inagurasyon at 5-minuto lamang ang kanyang speech ay hindi na kailangan ang practice.

Sinabi pa ng susunod na pangulo, magpupunta lamang siya sa Maynila sa mismong araw ng kanyang panunumpa sa June 30.?Isang simpleng cotton na barong ang gustong isuot ni Duterte sa kanyang inagurasyon sa Malacañang.

Nais din niya na ipa­tupad ang 2-car security set-up at ayaw niya ang mahabang security convoy.

Iniisip din niya na mag-uwian na lamang sa Davao dahil madami daw namang fligths dahil ayaw niyang tumira sa Malacañang o Bahay Pangarap. Plano rin niyang sa Davao na lamang mag-opisina kaysa sa Malacañang bilang pa­ngulo.

“Wala na akong balak bumalik sa Manila. Dalhin na lang nila dito ang papirmahan, okay naman siguro rito. Dito, baka this is one of the oldest houses sa Davao. Pre-war pa ito,” wika pa ni Duterte sa media interview.

vuukle comment

NERIO VALENZUELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with