^

Police Metro

Mga magulang namalengke... 4 mag-utol natupok sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos hindi na makilala ang apat na magkakapatid nang sila ay matusta matapos makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa  Tacloban City, Leyte.

Ang magkakapatid na nasawi ay kinilalang sina Dan Jade, 16; Glenn Mark, 14; Glen Marie, 11 at Gwyneth Morales, 9.

Nabatid na mahimbing na natutulog ang magkakapatid sa ikalawang palapag ng kanilang bahay  sa Brgy. 78, Marasbaras, Tacloban City  nang magsimula ang sunog dakong alas- 4:50 ng madaling araw.

Bago ang insidente ay pansamantalang iniwan ng kanilang mga magulang ang magkakapatid dahilan maaga ang mga itong nagtungo sa palengke para mamili ng mga paninda at iba pang mga kailangan para sa kanilang negosyong cafeteria sa lugar.

Mabilis nilamon ng apoy ang bahay ng pamil­ya Morales  at  nabigong makalabas ang magkakapatid na tuluyang magkakasamang nasawi sa insidente.

Naapula ang apoy dakong alas-5:20 ng umaga.

Malaki ang paniwala ng otoridad na ‘faulty electrical wiring’ ang dahilan ng sunog.

vuukle comment

ARNOLD TENORIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with