^

Police Metro

Canvassing sa boto ng Presidente at VP matatapos ng 2 linggo

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinimulan na ang canvassing ng mga boto para sa Presidente at Bise Pre­sidente sa Kamara na nagsilbing National Board of Canvassers (NBOC) at tiniyak na dalawang linggo ay inaasahang maipoproklama na ang mga nanalong Presidente  at Bise Presidente.

Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II, maaa­ring tumagal lamang hanggang Hunyo 7 ang bilangan ng balota at maiproklama na kung sino ang mananalong Pangulo at Pangalawang Pangulo dahil sa Hunyo 8 ay magtatapos na ang 16th Congress.

Paliwanag naman ni Gonzales sakaling matagalan at hindi matapos ang  bilangan dahil sa posibleng mga kwestyon o mosyon ng mga abogado ng mga kandidato sa itinakdang petsa ay itutuloy pa rin nila ang sine die adjournment.

Pagkatapos nito ay muling magbabalik ang joint public session at para sa pagproklama kung sino ang nanalong Presidente at Bise Presidente.

Inihalimbawa ni Gonzales ang nangyari noong May 2010 elections kung saan inabot lamang ng 10 araw ang bilangan kaya kaagad naiproklama ang mga nanalo.

Unang binuksan ang ballot box mula sa Davao del Sur, subalit kaagad naman nag-mosyon ang kampo ni Senador Bongbong Marcos sa pamamagitan ni dating Maguindanao Rep. Digs Dilanggaleng na ihiwalay  ang canvassing ng Presidente at Bise Presidente.

Kaagad naman itong sinopla ni Gonzales at sinabi kay Dilanggaleng na wala itong karapatan mag- manifest dahil hindi ito miyembro ng NBOC  at kung hindi ito uupo ay tatawag ito ng security para paalisin ang dating kongresista.

 

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with