^

Police Metro

Hindi na ako Katoliko, sumapi kayo sa Iglesia ko! - Duterte

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ni incoming President Duterte sa isang press conference na hindi na siya isang Katoliko matapos niyang batikusin ang mga Obispo ng Simbahang Katoliko.

“Hindi na ako isang Katoliko. Sumapi na kayo sa Iglesia ni Duterte,” ayon kay incoming President Duterte.

Bukod dito ay isusulong ni Duterte ang 3-child policy para malimitahan ang anak ng isang pamilya.

“I am suggesting that you are in good hands if you limit the number of your children,” wika pa ni Duterte.

Aniya, puro lamang daldal ang ginagawa ng Simbahang Katoliko pero hindi naman sila nakakatulong sa mga Filipino sa pamamagitan ng pagsuporta nila sa natural family planning method.

“Buti sana kung magbigay ang Katoliko ng honorarium. Sabi ko nga, kung hindi makatulong ang Simbahan, wag na kayo makinig d’yan,” giit pa ng susunod na pangulo.

Ibinunyag pa ni Duterte ang ginawang panghihingi ng mga Obispo ng SUV sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Meron pa dito si Oscar Cruz, nagsabi na ginamit daw yung mga Montero pati yung Land Cruiser as part of the charity of the priests. Kelan mo gagamitin ang mga Montero, pati mga SUV? Bobolahin mo pa mga Pilipino! Hoy, Oscar! Oca, wag mong bolahin ang mga Pilipino. Nakakahiya ka!” wika pa ng incoming president.

 “Di na ako miyembro ng Katoliko. May bago ako, lipat na lang kayo dito sa Iglesia ni Duterte,” giit pa ni incoming President Duterte.

Magugunita na binatikos ng husto ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang kandidatura ni Duterte noong kampanya sa pamamagitan ng pastoral letter.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with