^

Police Metro

Big time drug trafficker tiklo; P145-M shabu nasamsam

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umiskor ang mga operatiba ng PNP-Anti -Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) kasunod ng pag­kakasamsam na umaabot sa P145-M ha­laga ng shabu habang   naaresto naman ang isang pinaghihinalaang big time drug trafficker sa buy bust operation sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus, Cavite nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PNP-AIDG Deputy Director Sr. Supt. Leonardo Suan ang nasakoteng suspek na si Ardel Ajido, 33 anyos, residente ng Panapaan 5 Subdivision, Brgy. Panapaan, Bacoor ng lalawigan.

Ayon kay Suan, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus ang kanilang mga ope­ratiba sa ilalim ng super­bisyon ni Sr. Supt. Andy Suam.

Agad na pumoste ang mga elemento ng PNP-AIDG sa lugar matapos na makipag-deal sa kanilang poseur buyer ang suspek  na  nasa drug watch list ng PNP.

Nasa aktong iniaabot ng suspek ang  shabu sa poseur buyer nang dakpin at posasan ito ng mga PNP-AIDG personnels.

Ayon sa opisyal nang halughugin ang Ford Ranger pickup (WLI 738) na gamit ng suspek ay nakuha mula rito ang kabuuang 29 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P145-M.

Sinabi ni Suan ang suspek at mga ebiden­syang nasamsam mula rito ay dinala sa himpilan ng PNP-AIDG sa Camp Crame. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Anti Illegal Drugs Act)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with