^

Police Metro

Utol dedbol sa sapak ng kuya

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 23-anyos na si Jerick Suarez, construction worker nang ito ay bumagsak sa semento nang pagsusuntukin ng nakatatandang kapatid na lalaki matapos magtalo sa  kanilang trabaho kahapon sa Taguig City.

Ang suspek na naaresto ay kinilalang si  Jayson Suarez, 26, isa ring construction worker.

Sa ulat, dakong alas-11:20 ng umaga sa pinagtratrabahuan ng magkapatid sa Menarco Tower Project Staging Area sa panulukan ng 9th at 11th Sts., Bonifacio Global City (BGC), Brgy. Fort Bonifacio ng naturang siyudad ay sinita ni Jayson si Jerick habang ito ay nagtatrabaho na hindi nagustuhan ng huli.

Nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid hanggang sa suntukin ni Jayson si Jerick na tinamaan sa panga at nawalan ng malay tao.

Isinugod ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa trabaho sa ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with