^

Police Metro

Dahil sa criminal negligence... Digong kakasuhan ang BSP at AMLAC

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa “criminal negligence” matapos ang pag-leak ng mga dokumento sa kanyang bank accounts kasunod ng alegasyon ni vice presidentiable  Senator Antonio Trillanes IV na may may P2.4 bil­yong nakadeposito sa iba’t ibang bank accounts ng alkalde kabilang na ang P211 milyon na nakadeposito sa Bank of Philippine Islands (BPI) ay inihayag kahapon ni presidential aspirant Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte na kanyang kakasuhan ang Bangko Sentral ng Pilipinas at Anti-Mo­ney Laundering Council (AMLAC). Bago ang round table interview ng mga editors ng Philippine Star  kay Duterte ay  sinabi nito sa pulong balitaan na inaakusahan niya ngayon ang BSP at AMLAC ng “criminal leak”.

Hinamon ni Duterte ang BSP at AMLAC na patunayan na “dirty mo­ney” ang kanyang pera sa bangko.

Kinuwestyon ni Duterte ang BSP at AMLAC kung bakit ngayon lamang kinakalkal ang kanyang record na mahigpit na ipinagbabawal sa bank secrecy law.

Aniya, kung talagang galing sa illegal ang sinasabing milyun-milyong pera na nakadeposito sa kanyang account, dapat umanong nagsagawa na ng imbestigasyon ang BSP at AMLAC upang siya sabihin ito ay “dirty money”.

Iprinisinta ni Duterte sa media ang sertipikasyon na may petsang Mayo 3, 2016 mula  sa BPI Julia Vargas Ave­nue branch ng kanyang savings account #2433069539 na nagpapatunay na walang P211 milyong laman ito taliwas sa akusasyon ni Trillanes at tanging P17,816.98 ang kabuuang laman nito.

Dahil sa maraming naghulog sa naturang bank account, upang maberipika na talagang aktibo ito,  sinabi ni Duterte na mula sa mahigit 17-libong piso na laman nito, umaabot na sa mahigit P128,829.00 ang kabuuang deposito nito.

Ang isa pang dollar account ni Duterte na kinuwestyon naman ni Liberal Party presidential bet Mar Roxas ang iprinisinta na may kabuuang laman na mahigit $5,000 nitong Mayo 3, 2016.

Nais pa ni Duterte na kunin ni Roxas ang 10 dolyar na idineposito nito sa kanyang dollar account.

Base sa kanyang affidavit, inakusahan ni Trillanes si Duterte na tinatagong yaman na P2,407,272,103.75 na naka-deposito sa iba’t ibang accounts ng alkalde mula 2006 hanggang 2015. 

Bukod sa bank accounts, sinabi ni Trillanes na marami ring tagong property si Duterte na hindi idineklara sa kanyang Statement of Asstets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Una na ring itinanggi ng BSP at AMLAC na sa kanila galing ang mga dokumentong nakuha ni Trillanes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with