^

Police Metro

Duterte at Trillanes supporters, nagkagirian

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkagirian, nagkaasaran at naghiyawan nang magtagpo kahapon ang supporters nina presidential candidate Davao City Mayor Rodrigo Duterte at vice presidential candidate Senator Antonio Trillanes IV sa labas ng Bank of the Philippine Islands (BPI) Julia Vargas branch sa Pasig City kahapon ng umaga.

Ito ay may kaugnayan sa pagtungo doon ni Trillanes at ng abogado ni Duterte na si Atty. Salvador Panelo para i-check ang bank accounts ng alkalde,
dahil sa alegasyon ng senador na tumanggap ito ng milyong pisong deposito sa bangko simula 2014 na hindi nito idineklara sa kanyang Statement of Assets, Lia­bilities and Networth (SALN).

Inaakusahan ng mga supporters ni Trillanes si Duterte na sinungaling habang ipinagtatanggol naman ang huli ng kanyang  mga tagasuporta, na nagsimulang dumating sa lugar ganap na alas-9:00 ng umaga.

Kasama sa mga nagtungo sa lugar ang aktor na si Robin Padilla na hayag ang pagsuporta sa kandidatura ni Duterte.

Ayon kay Padilla, kung siya ang tatanungin ay hindi siya payag na buksan ang account ni Duterte dahil labag ito sa batas.

Sinabi rin ng aktor na ipinagdarasal niyang maging mapayapa ang pagkilos at walang maganap na gulo.

Sinabi naman ni Panelo na hiniling nila sa BPI na ibunyag ang nilalaman ng bank account ni Duterte, su­balit humihingi naman ng pitong araw ang mga opisyal ng bangko bago
tugunan ang kanilang kahilingan dahil sa mga hindi pa nareresolbang legal issues hinggil dito.

Iginiit din ng abogado na ang alegasyon ay hindi lamang ‘kuwentong kutsero, kundi kwentong barbero’ pa kaya’t hinamon ang senador na magbitiw na sa pwesto.

Nang umalis naman sina Trillanes at Panelo ay nag-alisan na rin pang mga supporters pasado ala-1:00 ng hapon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with