Plataporma nina Grace at Chiz radikal-Salceda
MANILA, Philippines – Inihayag ni Albay Gov.Joey Salceda na pinakaradikal na kandidato ang tambalan nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero base sa kanilang plataporma.
Ani Salceda na isang magaling na ekonomista, ang plataporma nina Poe at Escudero ukol sa pagbibigay ng P300 bilyong taunang badyet para sa agrikultura ang isa sa mga kumumbinsi sa kaniya na lumipat sa kampo ng “Gobyernong may Puso” mula sa Liberal Party.
“Kasi ang agriculture accounts for 17 percent of GDP (gross domestic product) but ang budget ng gobyerno is only less than two percent of the total budget—P3.3-trillion. In this election, that is by far the most radical pronouncement I’ve heard from anybody,” paliwanag ni Salceda.
Ngayong taon, aabot lamang sa P94 bilyon ang kabuuang alokasyon para sa sektor ng agrikultura, kabilang na ang P40.2 bilyon na inilaan sa Department of Agriculture at P32.7 bilyon sa National Irrigation Authority (NIA).
Isa pang radikal na plataporma ng “Gobyernong may Puso” ay ang para sa sektor ng edukasyon. “Libreng college at ‘yung automatic financing ng lahat po ng magka-college—kung ano po ang pinaplano ko dito sa Albay,” wika pa ng gobernador.
- Latest