^

Police Metro

Binubusisi na ng AMLAC... Digong may secret account sa abroad?

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinunyag ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) na bukod sa nabistong account ni presidential bet Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte sa BPI, mayroon din umano itong sekretong bank offshore accounts sa Singapore, Malaysia at China na hindi rin alam kung saan nanggaling.

Sinabi ni 4K secretary general Rodel Pineda, isang source nila sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ang nagbunyag sa offshore accounts ni Duterte kaya inimbestigahan na ngayon umano ang alkalde ng nasabing ahensiya.

“Ito ang sabi sa akin ng AMLA insider: ‘Yes he has offshore accounts in Singapore, Malaysia, China at kasama ‘yung sa BPI Ortigas Center ay sinisiyasat na namin at hindi makapagbigay ng figures kundi yes or no lang ang puwede nilang isagot,” ani Pineda.

Kinondena umano ng maliliit at mahihirap na sektor ng lipunan ang hindi deklarado at tagong yaman umano ni Duterte na aabot sa P211 milyon sa BPI sa Pasig City.

Magugunita na nadiskubre ang itinatagong yaman ni Duterte dahil sa pagbubulgar ni Senador Antonio Trillanes IV tungkol sa nakapagdepositong P211 milyong joint account ng  kanyang anak na si dating Davao City Mayor Sarah ‘Inday’ Duterte sa Bank of Philippine Islands (BPI) Julia Vargas Ave. Branch.

Idinagdag pa ng senador na tumatakbo ring Bise Presidente na isa pa lamang ito sa maraming nakatagong yaman ni Duterte at ipakikita pa niya sa taumbayan sa mga susunod na araw ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with