^

Police Metro

Digong sumadsad sa SWS survey... Poe pantay na kay Duterte

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sanhi ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan ay bumagsak ang rating ni PDP-Laban presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte batay sa bagong lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na kung saan ay  pantay na sila sa top spot ni  Sen. Grace Poe.

Ayon sa huling ulat ng SWS mula Abril 20 hanggang 23, si Duterte ang nagmarka ng pinakamala­king pagbagsak ng rating sa limang presidentiable. Mula 33 percent (%), nabawasan ng 6% ang kumpiyansa sa kanya ng taumbayan kaya sumadsad si Digong sa 27%.Habang pumalo naman si Poe sa 26% mula sa dating 24% o katumbas ng 2 porsiyento na pagtaas ng kanyang rating.

Bago isinagawa ang pinakabagong survey, abante si Duterte ng 9% kay Poe noong huling SWS survey na ginawa naman mula Abril 18  hanggang 20.

Posible anya na ang umano’y sunod-sunod na kamalian ni Duterte ang dahilan nang pagbagsak ng rating nito.

Halimbawa na rito ang pagtawag niya ng bayot kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas, isyu ng Davao Death Squad, pagmura sa Santo Papa at ang rape joke sa isang Australian missionary na biktima ng rape-slay noong 1989 at ang ipinahayag umano ni Duterte na puputulin niya ang diplomatic ties sa Australia at Estados Unidos dahil sa pagbatikos sa kanya nina Australian Ambassador Amanda Gorely at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg kaugnay ng kanyang ginawang rape joke.

Ikinagalak naman ng mga respondent ang paninindigan ni Poe upang ipaglaban ang dignidad at karapatan ng bawat kababaihan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with