Rating ni Roxas tumaas sa survey firm
MANILA, Philippines - Tumaas ang rating ni LP standard bearer Mar Roxas batay sa isinagawang survey ng D’ Strafford Research and Strategies Inc. at bumaba naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Paniwala ni John Stevenson, survey director ng D’ Strafford Research and Strategies Inc. na ang pagkakamali umano ni Duterte sa kanyang ‘rape remark’ ang dahilan upang bumaba ang rating nito.
Si Roxas ay nakakuha ng 26.2% habang si Sen. Grace Poe ay nakakuha ng 25.9% batay sa survey na isinagawa mula April 13-18, 2016 sa buong bansa sa may 2,800 registered voters, gamit ang face-to-face interview, at ± 1.9% error margin na may 95% confidence level.
Tabla naman sa ikatlong pwesto sina Duterte (20.4%) at Vice President Jejomar Binay (19.1%) habang si Senator Miriam Defensor-Santiago ang nasa huling pwesto na nakakuha ng 4.1%.
- Latest