^

Police Metro

Misis utas sa mister na pulis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa madugo ang mainitang pagtatalo ng isang misis at mister nitong pulis tungkol sa kanilang relasyon bilang mag-asawa nang pagbabarilin  ng huli ang una sa harap ng internet cafe sa  Davao City kahapon ng  madaling araw.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital dahil sa apat na tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Lorna Abacan Adug.

Ang suspek na mister nito na agad  tumakas ay kinilalang si PO3 Arvin Adug, 38, nakatalaga sa Davao del Sur Provincial Public Safety Company (PPSC).

Batay sa ulat ng Davao City Police, bago nangyari ang krimen dakong ala-1:50 ng  mada­ling araw sa harap ng Net Express Café na matatagpuan sa kahabaan ng Sta.Ana Avenue, Davao City ay nag-away muna ang dalawa hinggil sa problema sa relasyon nilang mag-asawa.

Sa gitna nang mainitang pagtatalo ay dumilim ang  paningin ng  nasabing pulis at bunutin ang baril nito na agad na pinaputukan nang sunud-sunod ang kaniyang misis na duguang napalupasay sa kalye na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigo ng maisalba ang buhay.

Ang suspek ay ipaghaharap ng kasong parricide at administratibo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with