40 drug pushers arestado sa illegal drugs at loose firearms
MANILA, Philippines – Nasakote ng mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Tarlac at Zambales ang 40 katao sa inilunsad na one time big time operations laban sa illegal na droga at loose firearms nitong Miyerkules ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.
Batay sa tatlong search warrants na dala ng mga operatiba ng CIDG Zambales at Olongapo City Police Office na nagresulta sa pagkakaaresto ni Raymond Gonzales alyas Jeremy Anos Tisoy, notoryus na miyembro ng Batang Olongapo Gangster at 34 iba na kabilang sa watchlist ng Directorate for Intelligence ng PNP na sangkot sa operasyon ng illegal drugs sa Olongapo City at mga karatig lugar.
Nasamsam sa operasyon ang 15 plastic sachets ng shabu, drug paraphernalias, isang cal. 38 revolver, isang pistol, shotgun at mga bala.
Sa isa pang operasyon bandang ala-1:30 ng madaling araw ay lima ang nasakote ng Tarlac City Police Station sa Brgy. Matatalaib sa bisa ng search warrant sa kaugnay ng pag-iingat ng loose firearms o mga baril na walang lisensya na kinilalang sina Jelyn Marimal de Lara, Roy Magbag, Dante Ramos, Rodelyn Magbag at Royvin Magbag; pawang nahulihan ng tatlong kalibre ng cal 38 revolvers, mga bala,20 sachets ng shabu at drug paraphernalias.
- Latest