^

Police Metro

Sundalo niratrat sa motorsiklo

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang sundalo matapos na ito ay pagbabarilin ng mga hinihinalang mi­yembro ng New People’s Army (NPA) habang sakay ng kanyang motorsiklo kamakalawa sa Sitio Vicita, Brgy. San Isidro, Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Sgt. Rodel Rala, 42, may-asawa, ng Brgy. Taisan, Basud, Camarines Norte at detachment commander ng 22 Infantry Batallion, 9th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Pag-Oring Nuevo-Libmanan.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo at binabaybay ang lugar nang harangin ng tatlong lalaki at walang kaabog-abog na ito ay pinagbabaril.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with