^

Police Metro

Mister na aburido sa buhay, tumalon sa dagat

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa pagiging aburido sa buhay ay nagpasya ang isang 35-anyos na mister na magpakamatay sa pamamagitan nang pagtalon sa dagat sa Matnog Port Ramp 4, Brgy. Caloocan, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Marlon Alemania, may-asawa, residente ng Brgy. Salkhag, Rosario,  Northern Samar.

Batay sa ulat ni SN1 Sergio Palenzuela lV, miyembro ng Philippine Coast Guard, dakong alas-9:57 ng gabi ay nakita niya ang biktima na  kasalukuyang nakatayo sa nasabing pandawan nang bigla itong tumalon sa dagat.

Nagsagawa nang search and rescue ope­ration ang Coast Guard at naiahon ang katawan ng biktima na mabilis dinala sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with