^

Police Metro

Tax free sa kumikita ng P30K posibleng mangyari - Binay

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Posibleng mangyari ang pangako ni Vice President Jejomar Binay na tanggalin ang income tax para sa mga manggagawang kumikita lang mula P30,000 pababa.

Ito ang ipinahayag ni Joey Salgado, communication director ng kampo ni Binay kaugnay ng mga ipinangako sa panahon ng kampanya para sa halalang pampanguluhan.

“Lagi nang may dahilan ang aming mga kalaban para tanggihan ang isang hakbang na makakapagpabago sa buhay ng mga mahihirap na mamamayan na mas mababa ang antas kaysa sa middle class. Hindi ito nakakagulat dahil nagmula sila sa isang grupo na ang mga reaksyon ay pa­ngalagaan ang kasaluku­yang sitwasyon kung saan ang mga manggagawa sa pabrika, empleyado ng pamahalaan at call center agents ay nagbabayad ng buwis na katumbas din ng binabayad ng mga milyunaryo,” wika ni Salgado.

Idiniin ni Salgado na malawakan ang magi­ging epekto ng plano ni Binay at makakaluwag sa tinatayang anim na milyong manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor kabilang ang mga manggagawa sa pabrika, call center agent, guro, pulis, sundalo at clerk sa gobyerno.

Batay sa kasalukuyang sistema ng pagbubuwis, hanggang 85 porsiyento ng kabuuang koleksyon sa individual income tax ang binabayaran ng mga manggagawa habang 15 porsiyento lang ang nagmumula sa mga self-employed individuals at professionals.

Ang reporma anya sa buwis ay magreresulta sa mas magaling na competitiveness ng mga korporasyong Pilipino at ng kanilang mga manggagawa na maghihikayat ng mas maraming dayuhang mamumuhunan na magbubunga ng mas maraming trabaho sa mga mamamayan at dagdag na kita ng pamahalaan.

“Higit sa lahat, ang panukalang ito ay isusulong natin upang magbigay ng ginhawa sa mga taong nasa below-middle class at middle class income level,” wika pa ni Salgado.

Naunang ipinaha­yag ni Binay na, sa loob ng unang 100 araw ng kanyang administrasyon kapag nanalo siya sa halalang pampanguluhan, pupulungin niya ang Le­gislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) para sa mas mabilis na pagpapatibay ng tax reform bill.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with