^

Police Metro

Karnaper napatay sa checkpoint

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang notoryus na miyembro ng carnapping /robbery gang ang nasawi habang nadakip ang kasama nito na nasugatan nang kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa shootout sa checkpoint sa National Highway, Brgy. Magsaysay, Polomolok, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na idineklarang dead on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital ay kinilalang si Ibrahim Abinola, nasa hustong gulang. Nasugatan naman ang kasama nitong si Ramil Candatu, nasa hustong gulang na nadakip habang nagtatangkang tumakas.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout bandang alas- 8:20 ng gabi sa checkpoint sa nasabing lugar ay hinoldap ng dalawang suspek ang dalawang establisyimento.

Nakarating sa kaalaman ng pulisya ang nasabing insidente kaya’t naglatag ng checkpoint sa lugar hanggang sa dumaan ang motorsiklo na walang plaka na sinasakyan ng mga suspek.

Sa halip na sumailalim sa pag-iinspeksyon ay agad na pinaputukan ng mga ito ang mga pulis na nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ni Abinola at pagkasugat ni Candatu na nagtangkang tumakas.

Positibong kinilala ng nabiktima ang mga suspek na siyang nangholdap sa kanilang establisyemento at nangarnap ng mga motorsiklo sa Polomolok at mga karatig bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with