^

Police Metro

Pamilya, 3 minasaker

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng isang pamilya ang nasawi nang sila ay pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Buling-buling, Brgy. Suh, Panamao, Sulu, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Laih Mamih, 50; Kiran Laih, 18; at Salmalin Laih, 15, na nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap ang 5 suspek habang naaresto sina Rasmar Appal Benar Jumar at Timmah Magindi, ng Sitio Wanni, Brgy. Pansul, Patikul, Sulu.

Batay sa ulat ng  Pa­namao Municipal Police Station, umaga nang matagpuang patay ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang pagpatay sa pamilya ay may kaugnayan sa away-angkan sa lugar na ang ugat ng awayan ay tungkol sa mga pag-aaring lupain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with