^

Police Metro

Mag-ina dinedo ng 3 karpinterong senglot

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-ina habang sugatan naman ang kanilang ama makaraang tubuhin ng tatlong senglot na karpintero na gumagawa ng kanilang bahay sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District Station 6, kinilala ang mag-ina na sina Princesita Villanueva, 66; at Christian Villanueva, 38, call center agent habang sugatan naman si Ruben Villanueva, 68, retired government employee na ngayon ay ginagamot sa FEU Hospital.

Nasakote naman ng pulisya ang dalawang suspek na sina Edilberto Escandor, 27; at Bernabe Escario, 30, mga nakatira sa Muntinlupa City.

Pinaghahanap naman ang isa pang suspek na alyas Biloy na tumata­yong bisor ng dalawa na pawang trahabador na stay-in-worker sa pinagagawang bahay ng pamilya Villanueva.

Sa inisyal na im­bestigasyon ni PO2 Jonny Galangui, naganap ang krimen sa may bahay ng mga biktima sa 1st Street, Bitoon Circle sa Brgy. Commonwealth.

Base sa ulat, umuwi Ang tatlo na lango sa alak kung saan nagising si Ruben para magtungo sa palikuran nang nakasalubong nito ang mga suspek.

Sinundan ni Biloy ang among si Ruben sa palikuran saka tinubo sa ulo hanggang sa bumulagta sa sahig.

Kinaladkad at ikinulong sa palikuran si Ruben kung saan nagising naman si Christian at inusisa ang pinagmulan ng ingay pero sinalubong siya at pinagpapalo ng tubo ng mga suspek hanggang sa mamatay.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek at pinasok ang kuwarto ni Prin­cesita saka pinagpapalo rin hanggang sa mapatay.

Kaagad na tumakas ang mga suspek subalit sa follow-up operation ay nasakote ang mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with