Alkalde sugatan sa ambush
MANILA, Philippines – Sugatan ang alkalde ng Bongao, Tawi-Tawi matapos itong tambangan ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Baliwasan, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni P/Senior Insp. Helen Galvez, tagapagsalita ng Zamboanga City PNP na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Mayor Jasper Que na agad na itinakbo sa Ciudad Medical Center dahil sa tama ng bala sa braso.
Naitala ang pananambang bandang alas-9 ng umaga sa kahabaan ng San Jose Road sa harap ng Baliwasan Elementery School.
Nabatid na kararating lang ng alkalde sa Zamboanga International Airport mula Tawi-Tawi kung saan sinalubong ng kanyang driver at mga escort.
Papauwi ang biktima nang buntutan at ratratin ng riding-in-tandem gunmen pagsapit sa nasabing lugar habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest