^

Police Metro

Sundalo patay, 5 sugatan sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang sundalo habang lima pa ang nasugatan  kabilang ang isang tinyente nang tambangan sila ng mga pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa kahabaan ng national highway, Catarman, Northern Samar.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Corporal Raymundo Corales, aktibong miyembro ng Army’s 63rd Infantry Battalion (IB) na nakabase sa bayan ng Lope de Vega ng lalawigan.

Nilalapatan ng lunas ang limang sundalo na sina 1st Lt. Mark Vincent Ching; Sergeant Marlon Constantino; Private First Class Eric Lazarra; Private First Class Chris Jonathan Bisnar; at Private First Class Pablito Pomarca.

Naitala ang pananambang dakong alas-3:30 ng hapon sa kahabaan ng national highway ng Sitio Hibabaogan, Brgy. Washington, Catarman.

Sa ulat ay kasalukuyang pabalik na ang tropa ng mga sundalo sa himpilan ng Army’s 63rd IB sa bayan ng Lope de Vega lulan ng KIA military truck nang paulanan ng bala ng NPA rebels pagsapit sa national highway ng Brgy. Washington, Catarman.

Sa kabila ng sugatan ay pinilit ni Pomarca na imaneho ang military truck na flat pa ang gulong hanggang sa makarating ang mga ito sa Brgy. Polangi, may 5 kilometro ang layo sa ambush site at dito na ang mga ito sinaklolohan ng mga sibilyan na maihatid sa pagamutan.

vuukle comment

ANG

BRGY

CATARMAN

CORPORAL RAYMUNDO CORALES

INFANTRY BATTALION

MARK VINCENT CHING

NEW PEOPLE

NORTHERN SAMAR

PRIVATE FIRST CLASS CHRIS JONATHAN BISNAR

PRIVATE FIRST CLASS ERIC LAZARRA

PRIVATE FIRST CLASS PABLITO POMARCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with