^

Police Metro

Excursion tragedy: 9 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Siyam na katao ang nasawi kabilang ang isang pulis makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang truck at multicab kamakalawa sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina PO1 Dennis Sancho; Christian Jay Sancho; Reresita Verzosa; Rosie Aquino at Rejie Yalong, driver ng multicab at tatlo pang inaalam ang pagkakakilanlan.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Ninio Paderna, driver ng Isuzu forward truck (XDG-700); mga pasahero nitong sina Ramil Guerrero; Michael Diamante; Werwin Diamante at Ausen Derla; mga pasahero ng Suzuki multicab (AAU-2464) na sina Ariel Yalong at Ricardo Yalong.

Batay sa ulat, dakong alas-5:20 ng hapon ay pauwi na ang mga biktima sa Brgy. Kalawag 2 ng nasabing lungsod matapos ang mga itong mag-excursion sa isang swimming resort sa lungsod ng makabanggaan ng kanilang sinasakyang multicab ang kasalubong na truck na may kargang mga saku-sakong bigas. sa national highway ng Brgy. EJC Montilla, Tacurong City.

Sa lakas nang pagkakabangga ay namatay noon din ang limang katao habang ang tatlo ay hindi na umabot ng buhay sa ospital.

 

vuukle comment

ANG

ARIEL YALONG

AUSEN DERLA

BRGY

CHRISTIAN JAY SANCHO

DENNIS SANCHO

MGA

MICHAEL DIAMANTE

NINIO PADERNA

RAMIL GUERRERO

SOCCSKSARGEN

TACURONG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with