^

Police Metro

May-ari ng panaderya itinumba ng panadero

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napaslang ang 42-anyos na ba­kery owner matapos itong saksakin  ng kaniyang panadero na sinasabing iritado sa sakit ng ngipin sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Idineklarang patay sa Jose Reyes  Memorial Medical Center ang biktimang si Antonio Magpantay, may ari ng Lunar Bakery sa Maria Clara Street sa nasabing lugar.

Nasakote naman ang suspek na si Dante  Casuno, 22, may asawa, stay-in sa nasabing bakery at tubong Jubay, Caloban, Leyte,

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section,  naganap ang krimen dakong alas-2 ng madaling araw sa nabanggit na panaderya.

Lumilitaw na nagtalo ang mag-amo dahil ayaw pumayag ng biktima na umalis ang suspek na sinasabing bibili lamang ng gamot sa sakit sa ngipin.

Nauwi sa matinding pagtatalo at tinangkang tagain ng biktimang senglot ang trabahador nito kaya naganap ang krimen.

Dalawang trike dri­ver ang humabol sa suspek na tumakas kung saan nakorner naman sa Elias Street saka dinala sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTONIO MAGPANTAY

CALOBAN

ELIAS STREET

JOSE REYES

LUNAR BAKERY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIA CLARA STREET

MEMORIAL MEDICAL CENTER

MILBERT BALINGGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with