^

Police Metro

Indian national patay sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang Indian national nang ito ay  pagbabarilin ng isang angkas sa motorsiklo kahapon ng umaga sa Brgy. Milagrosa, Project 4, Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Sa Kulpal Singh, 52, may-asawa, negosyante ng no. 36 HB Gonzales St., Xavierville Subdivision, Loyola Heights.

Batay sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga ay may sinisingil na pautang ang  biktima sa harap ng isang bahay sa JP Rizal St., kanto ng Raja Matanda St., Brgy.Milagrosa, Project 4 nang sumulpot ang isang motorsiklo na walang plaka sakay ang dalawang lalaki nang magbunot ng baril ang angkas at pinagbabaril ang biktima.

Ilang residente na nakarinig ng putok ng baril ang lumabas at nakita ang biktima na duguang nakasalampak sa kanyang motorsiklo. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya dahil ang pera at gamit ng biktima ay hindi kinuha sa kanyang katawan.

vuukle comment

ANG

BATAY

BRGY

GONZALES ST.

LOYOLA HEIGHTS

MILAGROSA

QUEZON CITY

RAJA MATANDA ST.

RIZAL ST.

SA KULPAL SINGH

XAVIERVILLE SUBDIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with