^

Police Metro

Kidnap victim nailigtas sa gamot na iniinom

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang iniinom na gamot ng isang kidnap victim ang naging dahilan sa pagkakaligtas sa kanya ng mga ahente ng National Bureau of Investigation nang matunton ang kinaroroonan nito kung kaya’t nadakip ang dalawa sa anim na miyembro ng kidnap for ransom group sa isang operasyon sa Mangatarem, Pangasinan.

Sa ulat ni NBI Director Virgilio Mendez, nai­ligtas ng kanyang mga tauhan ang negosyanteng si Teodorico Ozaeta  ng Lipa City, Batangas na dinukot  noong nakalipas na Hulyo 24 sa South Supermarket sa Lipa City, Batangas.

Naaresto ang mga suspek na sina Francisco Quiamko  at Rammel Relos na naaktuhang sila ang may dala sa biktima nang masakote.

 Pinaghahanap pa ang apat pang suspek na kinabibilangan ng mastermind na si Walter Ozaeta, isang umanong gambling lord operator sa lalawigan ng Batangas,Visayas at Mindanao at pinsan ng biktima.

Nang idulog ang reklamo sa NBI ay agad bumuo ng team sa pangunguna ni Atty. Max B. Salvador at nalaman nila sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ang  insidente nang pagkaladkad sa biktima ng dalawang suspek at isinakay sa L300 na kung saan kinabukasan ay nanghihingi ng ransom na P30-milyon sa pamilya ng biktima.

Nalaman ng NBI na may sakit ang biktima kaya’t inalam nila ang mga gamot na posibleng ipabili nito sa mga kidnaper at hindi nagkamali ang NBI nang ma-trace sa isang botika sa Mangatarem, Pangasinan na may bumibili ng nasabing gamot eksakto sa set ng gamot na iniinom ng biktima.

Naabutan sa nasabing botika  si Relos na patu­ngo sa isang Toyota Previa  at doon ay sinita na siya ng mga operatiba at nakita sa loob ng sasakyan ang biktima habang nasa driver’s seat si Quiamko.

Nakumpiska sa kanila ang dalawang kalibre 45 pistola at mga dokumentong nagpapatibay ng ugnayan kay Walter Ozaeta.

Noong Hunyo umano nagplano ng pagkidnap si Walter at kasama nito sina Quiamko; isang alyas “Ruben” na sinasabing nagback-out sa plano; isang alyas “Boy”  at dalawa pa.

Naging pondo umano ng grupo ang mga padalang pera sa  mga money remittances mula sa mga ‘cabo’ sa  ‘loteng’ ni Walter.

Isa rin sa bubusisiin ang isa sa sasakyang ginamit sa pagdukot nang dalhin sa Macapagal Avenue si Teodorico ay may “JUDICIARY” commemorative plate at ma­ging ang baril na ginamit ni Quiamko ay pag-aari umano ni Walter.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATANGAS

BIKTIMA

DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

FRANCISCO QUIAMKO

LIPA CITY

MGA

NBSP

QUIAMKO

WALTER OZAETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with