^

Police Metro

Matapos na inendorso si Mar... Grace nagpasalamat kay P-Noy

Nina Malou Escudero at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit pa ang inendorsong presidential candidate ni Pangulong Noynoy Aquino si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas para sa presidential election sa susunod na taon ay nagpasalamat pa rin si Senator Grace Poe.

Ayon kay Poe, nagpapasalamat pa rin siya sa Pangulo dahil ibinilang siya sa mga taong sa tingin niya ay puwedeng magpatuloy sa  “Daang Matuwid”.

Sinabi pa ni Poe na pa­tuloy pa rin niyang tatahakin ang daang matuwid dahil mas magiging makabuluhan ang nasabing adhikain kung marami ang susunod.

Idinagdag ni Poe na kinikilala niya ang pagnanais ni Roxas na makapagsilbi sa bayan bilang presidente at kaisa siya sa  hangarin na maipagpatuloy ang mga nasimulan na ni Pangulong Aquino.

Isa si Poe sa inaasa­hang tatakbong pangulo sa 2016 bilang independent candidate kahit pa hindi nakuha ang endorsement ng Pangulo.

Samantala, matapos tanggapin ang hamon bilang standard bearer ng Liberal Party  (LP) ay nakatakda na itong magbitiw sa puwesto bilang Kalihim ng DILG dahil sa delicadeza.

Una nang sinabi ni Roxas na kung sakali man at magdesisyon siyang tumakbo sa presidential elections o kahit ano pa mang mataas na posisyon sa gobyerno ay agad siyang magbibitiw sa posis­yon sa gabinete.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

DAANG MATUWID

LIBERAL PARTY

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

ROXAS

SENATOR GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with