^

Police Metro

2 dalaga pina-rape ng textmate

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi sukat akalain ng dalawang babaing estud­yante na ang pakikipag­kita nila sa isang ka-textmate ang magpapahamak sa kanila matapos na sila ay ipa-rape sa dalawang barkada na naganap sa Brgy. Canelar, Zamboanga City.

Nagsampa ng reklamo kamakalawa sa pulisya ang mga biktima na itinago sa pangalang Janet, 19 at Anna, 13.

Habang nadakip naman sa  follow-up operations ang tatlong suspek na kinilalang sina Walid Ali­muddin, 19; isang 16-an­yos na itinago sa pangalang Eric at ang textmate ng mga biktima na si Alsimar Alimuddin, 19.

Ayon sa pahayag ng dalawang biktima, bago naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon noong Huwebes sa bahay ng textmate na si Alsimar ay inimbitahan sila nito para mag-inuman na ang pulutan ay pritong manok.

Pinaunlakan ng dalawang biktima ang paanyaya ni Alsimar at nang magtungo ang mga ito sa lugar ay naganap ang inuman hanggang sa mala­sing ang mga ito.

Nang malasing ang dalawang dalaga ay puwersahan silang ginahasa ng dalawang barkada ng textmate na si Alsimar.

Habang ginagahasa ay sumali na rin si Alsimar sa panghihipo sa kaselanan ng dalawang biktima.

Nabatid na wala ang magulang ni Alsimar at maging ang mga kapatid nito nang maganap ang insidente.

Ang tatlong suspek ay kinasuhan ng panghahalay.

vuukle comment

ALSIMAR

ALSIMAR ALIMUDDIN

AYON

BRGY

CANELAR

DALAWANG

HABANG

WALID ALI

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with