^

Police Metro

Misis, lover kalaboso sa ‘adultery’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naghihimas ngayon ng rehas ang isang misis at ang lover nito nang mahuli sa akto na magkasiping sa loob ng bahay ng kaibigan ng una sa Nabua, Camarines Sur, kamakalawa.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Luz Ganal-Pacardo, nasa hustong gulang, residente  ng San Antonio, Poblacion, Nabua  at kalaguyo nitong si Elorden Buban, 26.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng mahuli  ng mister na si Danny Pacardo, 34, sa aktong magkasiping ang magkalaguyo sa bahay ni Marcela Acabado Laorsa sa Zone 6, Barangay La Opinion ng nasabing bayan.

Ayon kay Pacardo, nakita niya ang kanyang misis na katabi ang suspek at dito niya napatunayan na totoo ang tsismis na kumakalat sa kanilang barangay hinggil sa bawal na relasyon ng dalawa.

Hindi aniya alam ng nasabing misis na  matagal  na itong sinusubaybayan ng kanyang mister hanggang sa mahuli sa akto ang pagtataksil nito.

Mabilis na tumawag ng opisyal ng barangay at pulisya ang napendehong mister at naaresto ang magkalaguyo bandang alas-3 ng madaling araw.

Kasong adultery ang nakatakdang  isampa sa magkalaguyo na nakadetine sa Nabua Police Station.

vuukle comment

AYON

BARANGAY LA OPINION

CAMARINES SUR

DANNY PACARDO

ELORDEN BUBAN

LUZ GANAL-PACARDO

MARCELA ACABADO LAORSA

NABUA

NABUA POLICE STATION

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with