^

Police Metro

3 dinedo habang natutulog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril habang mahimbing na natutulog ang tatlong katao kabilang ang mag-live in partner sa loob ng kanilang bahay sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng kalibre 45 baril at 9mm sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ay kinilalang sina Ronadel Galvez, alyas Tonang 42; live-in-partner nito na si Nelson Obina, alyas Vic Vic, 43, at pinsang si Arnold Aninao alyas  Nonoy, kapwa naninirahan sa  Domingo St. Block 39 Welfareville  Compound,
Brgy. Addition Hills sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi sa ikalawang palapag na bahay ay mahimbing na natutulog ang mga biktima nang pumasok ang dalawang suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril. Habang nagsisilbing lookout sa ibaba ng bahay ang dalawa pang suspek.

Hinala ng pulisya na may kina­laman sa ipinag­babawal na droga ang pagpatay dahil may record ang mag-live in partner ng kasong drug pushing na una na ring nadakip ng mga otoridad at nakulong sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

ADDITION HILLS

ARNOLD ANINAO

BATAY

BRGY

DOMINGO ST. BLOCK

MANDALUYONG CITY

NELSON OBINA

RONADEL GALVEZ

VIC VIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with