^

Police Metro

Lover ng nanay, utas sa 2 anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binistay ng bala at pinagtataga ang isang 37-anyos na lalaki ng da­lawang anak ng kalaguyo nito naganap kamakalawa sa Zone 1, Brgy. Cawit, Zamboanga City.

Ang nasawi ay kinilalang si Ronan Punzalan, ng  Zone 5, Brgy. Cawit na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala at taga sa iba’t ibang bahagi ng  katawan.

Pinaghahanap naman ng mga otoridad ang magkapatid na sina Tan Saric, 25-anyos, at  ang 17-anyos nitong kapatid na itinago sa pangalang Sam ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, pauwi na  ang biktima galing sa pakikipagtagpo nito sa ina ng dalawang suspek na si Fatima Saric, 42-anyos sa mismong bahay ng pamilya at palabas na ng kanilang bakuran nang maabutan ng magkapatid.

Dito na sumiklab ang galit ng magkapatid kung saan pinagbabaril ito ni Tan, pero tumakbo sa loob ng kanilang bahay na nakorner naman ni Arthur at  pinagtataga naman ito.

Idinagdag pa sa ulat upang makasigurong patay na ang biktima ay muli itong pinaputukan at pinagtataga ng magkapatid na agarang ikinasawi nito.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng bala, limang mga nadepormang bala  ng hindi natukoy na uri ng armas, apat na sachet ng shabu at iba pa.

Hinala ng pulisya na ang motibo ng pagpatay ay dahil sa pakiki­pagrelasyon ng biktima sa ina ng magkapatid.

vuukle comment

BATAY

BINISTAY

BRGY

CAWIT

FATIMA SARIC

RONAN PUNZALAN

TAN SARIC

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with