^

Police Metro

2 ‘termite gang’ todas sa shootout

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Todas ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng notor­yus na termite robbery gang sa naganap na shootout kamakalawa ng gabi sa Bacoor City, Cavite.

Wala pang nakuha na anumang pagkaka­kilanlan sa mga napatay na suspek.

Ayon kay Supt. Rommel Estolano, Director ng Bacoor City Police na ang dalawang napatay ay miyembro ng “termite gang “dahilan ang modus operandi ng mga ito ay ang maghukay ng lagusan patungo sa target ng pagnanakawang mga establisyemento tulad ng mga pawnshop, money changer at bangko.

Batay sa ulat, bandang alas-11:30 ng gabi nang maispatan ng mga nagpapatrul­yang operatiba ng Bacoor City Police  na lulan ng mobile patrol car ang mga suspek habang kahinahinala ang kilos sa isang bakanteng lote sa pagitan ng Phoenix Gasoline Station at sa sangay ng Philippine National Bank sa Brgy.Habay 2 ng lungsod.

Nang tatanungin ng mga pulis ay agad na nagpaputok ang mga suspek na nauwi sa shootout na kung saan ay napatay ang dalawa habang nakatakas ang ibang mga kasamahan.

Narekober sa crime scene ang isang cal 38 pistol at isang cal 45 pistol, mga gamit sa pag­huhukay tulad ng pala at bolt cutter.

Nabatid na ang mga suspek ay sangkot sa panloloob sa RCBC Bank na natangayan ng P1.5 M sa lungsod noong Disyembre 29, 2014  kung saan naghukay ang mga ito sa  isang bakanteng lote patungo sa loob ng bangko.

vuukle comment

AYON

BACOOR CITY

BACOOR CITY POLICE

BATAY

BRGY

PHILIPPINE NATIONAL BANK

PHOENIX GASOLINE STATION

ROMMEL ESTOLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with