^

Police Metro

13 bahay nasunog sa QC: 1 patay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa unang araw ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso ay nasa 26 pamilya ang nawalan ng tirahan habang isa ang nasawi sa naganap na sunog kahapon ng madaling araw sa Barangay San Roque, Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Roberto Sandoval, 50 na nakita sa loob ng kanyang barung-barong.

Batay sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay na pag-aari ng isang Soledad Fajardo na matatagpuan sa may 7-G 1st Camarilla St., ng nasabing barangay.

Dahil gawa lamang ito sa kahoy ay madali itong nagliyab hanggang tuluyang lumaki ang apoy at nadamay ang 13 katabing bahay kabilang ang bahay ng nasawi.

Umabot naman sa ikalawang alarma ang sunog, bago tuluyang ideklara itong fireout ganap na alas 5:12 ng umaga.

vuukle comment

BARANGAY SAN ROQUE

BATAY

CAMARILLA ST.

DAHIL

FIRE PREVENTION MONTH

KINILALA

MARSO

QUEZON CITY

ROBERTO SANDOVAL

SOLEDAD FAJARDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with