^

Police Metro

Trak nakanal: 3 pahinante patay

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang tatlong pahinante matapos ang kanilang sinasakyang hauler truck ay nahulog sa kanal kamakalawa sa kalye ng Brgy. Villa San Isidro, Purok 3, Camarines Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Gerry Mercado, 20; Ruel Requillas, 30 at kapatid na si Marvin,17.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay binabagtas ng isang hauler truck (VFC-252) na minamaneho ni Rolando Boy Torres, 49 na may kargang mga niyog na pag-aari ng isang Sofronio Panaligan.

Pagsapit sa nasabing lugar ay biglang nawalan ng kontrol ang sasakyan at tuloy tuloy na nahulog sa isang kanal na kung saan ay hindi nakalabas sa sasakyan ang tatlong biktima na naging dahilan para sila ay maipit at mamatay noon din.

Samantala, sa bayan ng Baao, Camarines Sur ay namatay ang isang trike driver na si Luis Bitmal, 57, ng Brgy. Buluang makaraang ang minamanehong tricycle ay bumangga sa isang asul na kotseng Nissan (PRP-939) na minamaneho ng isang Ricky Viñas, 30, ng Brgy Binanuaanan, Pili, Camarines Sur at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

BRGY

BRGY BINANUAANAN

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

GERRY MERCADO

LUIS BITMAL

RICKY VI

ROLANDO BOY TORRES

RUEL REQUILLAS

SOFRONIO PANALIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with