Roxas Boulevard, pansamantalang bubuksan sa mga truck
MANILA, Philippines – Pansamantalang bubuksan sa mga cargo trucks ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula Pebrero 2 hanggang 15 matapos muling payagan ito ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Pero, limitado ang kanilang pagdaan dito mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-5:00 ng umaga lamang.
Napagdesisyunan na pansamantalang alisin ang truck ban para mapabilis ang paghahakot sa mga naipong kargamento sa pantalan noong holiday break.
Pagkatapos nito ay uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways ang pagsasaayos sa Roxas Boulevard bilang paghahanda sa nalalapit na APEC Summit.
- Latest