^

Police Metro

3,000 bahay nasunog sa Pasay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Aabot sa 3,000 kabahayan ang natupok nang sumiklab ang sunog kahapon ng umaga sa isang residential area sa Pasay City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Pasay City, dakong alas-10:50 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa hindi matukoy na bahay sa may Maricaban District sa Andrews Avenue.

Ayon sa ilang residente napansin nila ang biglang paglaki ng apoy sa lugar.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog dakong alas-11:13 ng umaga at tuluyang naapula dakong alas-3:36 na ng hapon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sanhi ng sunog habang inaasahan na sa kalsada magpapalipas ng magdamag ang mga nasunugan.

Sa kasalukuyan habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang naiuulat na nasaktan o nasawi sa sunog.

vuukle comment

AABOT

ALAS

ANDREWS AVENUE

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION-PASAY CITY

MARICABAN DISTRICT

PASAY CITY

PATULOY

SUNOG

UMABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with